Ako si Ernest.
Marami akong hilig.
Marami rin akong kaibigan,
Subalit gusto ko ang nag-iisa.
Mabait naman ako,
Depende na nga lang sa'yo.

May twitter din ako.
Sa dulo ng walang hanggan, nakita ko ang katapusan.

AA Corollary

Isang nakakapagod na araw. Hindi ko alam pero paggising ko pa lang pagod na ako.

Ang hirap kasi bumangon. Ang saraaap ng tulog ko (hindi katulad ng mga kaklase ko na ang iba ay wala pang limang oras lang natulog) at ang sarap managinip kahit hindi ko maalala ang (mga) panaginip ko.

Chicken naman ang almusal at maraming akong nakain. Haha.

Tapos pumunta na ako sa school. Maayos naman kahit madaming ginawa. Natalo din kami sa volleyball namin sa PE huhu pero ayos lang, masaya naman.

May ginawa rin kaming nakakapagod sa chem. Tapos noong hapon nakinig ng Career Orientation Talk. Na hindi talaga Career Orientation Talk kun’di advertisement lang ng Lasallian schools. Nahuli pa ako ni Br. Ruben na natutulog sa Sentrum.

Noong uwian, ako rin ang umubos nun Yum Yum ni Anthea na rice crispies. Sarap. Bitin nga lang.

Pag-uwi, kumain ako na bananaque. Sarap.

Tapos nahiga at ganun ganun. Bumangon pagkatapos at nag-blog. Tutulog ako ng maaga ngayon. Mga 8:30. Haha. Yehey.

Posted 3 months ago with 0 notes