Ako si Ernest.
Marami akong hilig.
Marami rin akong kaibigan,
Subalit gusto ko ang nag-iisa.
Mabait naman ako,
Depende na nga lang sa'yo.

May twitter din ako.
Sa dulo ng walang hanggan, nakita ko ang katapusan.

Loverun

Mula Thursday hanggang Saturday, fair namin. Pero half-day lang nung Saturday. Diretso akong papuntang Lemery nun.

Hindi masyadong masaya ang fair. Pero masaya kasi may picture na kami ni Domeng at Jomar na magkakasama. Antique na ‘yung kaisa-isang picture namin noon eh. Sobrang luma na. Buti na palitan. At mukha kaming mga sira, kaya masaya.

Ganun kasi ‘yun, kapag magkakaiba, pwede mukhang ewan. Kaya masaya nga talaga.

Hindi rin ako nakapag-wall climbing na paborito kong gawin kapag fair. Kasi kasi. Haha. Kasama ko nga dapat si Domeng, hindi naman kami natuloy.

Nagkaroon rin ng mga hindi magagandang pangyayari. Pero ayos na naman.

Masaya naman eh nung nagpunta kami ng Lemery para sa Loverun + Praise concert.

Tumakbo kami sa Taal-Lemery na hindi ko naintindihan ang tinakbuhan. May mga nakabantay naman kaya alam ang dadaanan. Hindi na rin ako nakipag-unahan dahil alam kong hindi ako mauuna. Haha.

Inenjoy na lang namin ng mga kasama ko ang pagtakbo/lakad namin. Nagpicture-picture pa sa tulay.

Ganda din nung Taal Basilica. Ang taas. Ganda ganda ganda.

Mang Inasal naman ang lunch. 55 pesos ang Sulit Meal, at ‘yun lang ang kinain namin. Sarap naman. Unli rice pa kasi nagbaon ng rice mga ka-Cluster namin.

Nag-concert pagkatapos. Saraaap. Kahit pagkagising ko, paos ako. First time ko ‘to. Uminom kasi ako ng Mountain Dew pag-uwi.

Pero saraaap talaga. Haha.

Posted 3 months ago with 2 notes
 #yfc  #youth for christ  #praisecon  #praise concert
  1. alchemistx posted this