Ako si Ernest.
Marami akong hilig.
Marami rin akong kaibigan,
Subalit gusto ko ang nag-iisa.
Mabait naman ako,
Depende na nga lang sa'yo.

May twitter din ako.
Sa dulo ng walang hanggan, nakita ko ang katapusan.

BIRTHDAY KO NA BUKAS!!

Ang dami ng sugat ng magaganda kong kamay. Haha.

  • Una, napagasgas sa volleyball court, nasa may wrist ang sugat.
  • Sunod, naipit ako sa pinto ng classroom. Pahaba ang hiwa.
  • Tapos naggagayat ako ng patatas, nagayat ko ang hinlalaki ko. Pero maliit lang naman (hindi talaga ako pwede sa Junior Master Chef).
  • May sugat rin ako sa likod na kamay, hindi ko alam kung bakit.
  • Huli, sa palad. Parang maliit ng hiwa lang. Sobrang liit. Nasira kasi ang abrelata, kaya kutsilyo ang pinangbukas ko.

Voila. Maayos naman ako.

Posted 3 months ago with 6 notes
  1. majicalme said: nagbibirthday ka pala. :p
  2. prettycoolyow said: AYY.KAWAWA HAHA happy bday!
  3. alchemistx posted this