Kakagising ko lang, at masarap ang tulog ko.
Kahit first honor na sana kung hindi ako sumabit sa Filipino. Okay, ayos lang. Basta dapat ngayong fourth quarter, hindi bababa.
Naglalaro din ako ng GodsWar ngayon. Maganda, laro din kayo. Promise. Madali lang. Haha. Pero mababa pa level ko eh.
Okay. Kakakain ko lang ng bananaque. Weee.
Masaya din ako sa week na ‘to.
Aha, birthday ko na sa Monday. Tumatanggap po ako ng regalo, pwede po ang cash. Pero kahit ano ay appreciated. Ano pang hinihintay mo, bigay na.
Haha. Okay. Tagal ng birthday ko, kakainip.
P.S. Turning 15 pa lang ako ha. Baka kung ano na namang ihula niyo na age ko.